Bilang kabataan ilan beses ko ng nabasa at narinig ang kasabihang "Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan." Ito ay ayon mismo kay Gat.Jose Rizal na may malaking isinakripisyo sa ating bansa. Ngayon paano natin ito paniniwalaan kung nakikita natin ang mga kabataan ngayon ay gumagamit at nalululong sa masamang bisyo. Alam naman natin na ang bawal na gamot ay may masamang epekto hindi lamang sa ating kalusugan pati na rin sa ating kaisipan. Marami na ang nasira ang buhay dahil sa masamang epekto nito tulad ng pagkadala sa mental at rehabilitation center at napapawalay sa kanilang pamilya.
Hindi maikakailang ang karaniwang nabibiktima ng mga nagtutulak ng mga ipinagbabawal na gamot ay mga kabataang wala o kulang sa kamuwangan sa masasamang dulot nito. Kapag natukoy na ang mga kabataang ito sa pamamagitan ng Drug Test madali na lamang silang mabigyan ng kaukulang lunas ng mga kinauukulan.
Isang magandang panukalang batas ang inihain sa kongreso ni Congresswoman Connie Dy ng Lungsod ng Pasay tungkol sa pagpapadrug test ng mga estudyante na ang pamahalaan ang gagastos na mas makakatulong sa mga kabataan upang makaiwas ang iba at huminto sa paggamit nito dahil kahit saan natin anggulo tignan ay talagang masama ang dulot ng droga sa mga kabataan at walang magandang maitutulong ito sa kanila dahil pwede nito sirain ang pagsasamahan ng mga kabataan sa kanilang mga pamilya at masira ang mga pangarap ng mga kabataan sa paggamit ng droga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento